Nanawagan na sa gobyerno ng Pilipinas ang nasa 90 Pilipino sa Afghanistan na ilikas na sila matapos maagaw ng teroristang grupong Taliban ang kontrol sa naturang bansa.
Ayon sa DFA, 32 Pinoy na ang kanilang inilikas mula sa kabisera na Kabul, Afghanistan patungong Doha, Qatar kung saan sila sasakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas.
Habang 19 na iba pa ang nakatakdang i-repatriate habang inaayos ang papales ng ibang naiwan.
Noong linggo ay itinaas ng Pilipinas sa alert level 4 ang sitwasyon sa Afghanistan na nangangahulugan ng mandatory repatriation sa mga Pinoy.—sa panulat ni Drew Nacino