Tinatayang 3k hanggang 4k Pilipinong magtatrabaho sa Hongkong ang hindi makaalis dahil pa rin sa issue ng COVID-19 vaccination card.
Ayon kay bayan Hongkong at Macau Chairman Eman Villanueva, stranded sa Maynila at patuloy na nababaon sa utang ang mga nasabing Pinoy.
Patuloy anya ang negosasyon ng Pilipinas at Hongkong kaugnay sa vaccination card.
Kasama ang Pilipinas sa mga itinuturing na “high-risk country” ng Hongkong para sa COVID-19 kaya’t ang mga fully vaccinated na Pilipino lang ang puwedeng makapasok ng naturang Chinese territory.
Ipinaliwanag ni Villanueva na karamihan sa mga stranded ang hindi na bumalik ng kanilang probinsiya dahil umaasang agad na silang maka-aalis habang ilan sa kanila ang nangangambang mawalan ng trabaho.
Nananawagan naman ang bayan official sa pamahalaan na tulungan ang mga stranded na Pinoy.—sa panulat ni Drew Nacino