Inaasahang darating sa bansa ang 50 hanggang 60 milyong bakuna kontra COVID-19 bago matapos ang taon.
Sinabi ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na aabot sa 45 hanggang 50 milyong bakuna na binili ng gobyerno mula sa ibat ibang mga vaccine manufacturer ang darating sa bansa, mula Nobyembre hanggang Disyembre.
Maliban dito, may mga donasyong bakuna mula sa ibang mga bansa ang inaasahang darating sa mga susunod na araw.
Sinabi pa ni Galvez na ngayong taon ay aabot sa 193 milyong doses ng COVID vaccines ang na-secure ng Pilipinas.—sa panulat ni Hya Ludivico