Pumalo na sa 45% ng populasyon sa buong mundo ang tinamaan ng tinatawag na mouth disease.
Ayon sa World Health Organization (WHO), 3.5 bilyong katao ang nakararanas ng tooth decay, gum disease at iba pang oral illness.
Isa sa dahilan nito ang hindi pantay-pantay na access ng mga bansa sa oral health services.
Apektado rin ng sakit ang mayorya ng nasa vulnerable at disadvantaged populations.
Sa ngayon, batay pa sa datos ng WHO ay umabot na sa 380,000 bagong kaso ng oral cancers, ang isinusugod sa ospital kada taon.