Nasamsam ng mga awtoridad mula sa Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang operasyon sa Roxas sa Palawan ang aabot sa 1.2 bilyong pisong halaga ng fossilized giant clam shells o taklobo.
Ayon sa coast guard, apat na katao ang kanilang naaresto sa naturang operasyon na kinilalang sina Rey Cuyos, Rodolfo Rabesa, Julius Molejoa, at Erwin Miagao.
Inaresto ang mga ito dahil sa paglabag sa RA 9147 o wildlife resources conservation and protection act.
Sa ngayon, nahaharap na ang mga ito sa inquest proceedings at haharap sa patong-patong na kaso.