Tinatayang 5k informal sector workers sa National Capital Region ang nakatanggap ng tulong na aabot sa P59.1 milyon.
Kabilang sa ibinigay na tulong ay mga bisikleta, kabuhayan at cash-for-work mula sa Department Of Labor and Employment (DOLE).
Sa ilalim ng DOLE bikecination project, ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng bisikleta at cellphone na may load cards para sa pagsisimula ng kanilang food delivery.
Mahigit 3,500 informal sector workers naman sa Marikina, Pateros, Mandaluyong, San Juan, Pasig at Maynila ang nabigyan ng temporary employment sa ilalim ng tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers o TUPAD program.—sa panulat ni Drew Nacino