Nasa P6.5 milyong halaga ng ecstasy ang nasamsam ng pinagsanib puwersa ng Bureau Of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency at airport police sa Pasay City.
Nagsagawa ang BOC ng random inspection sa central mail exchange center sa Pasay City kung saan dumaan sa x-ray ang mga padala at lumabas na may kahina-hinalang laman ang dalawang improvised pouches.
Nagsagawa agad ng physical examination ang mga otoridad at tumambad sa kanila ang tinatayang tatlong libo walundaang ecstasy tablet na hugis “hexagon” at bungo na nagmula sa Germany.
Naaresto naman ang suspek at consignee ng kontrabando na kinilalang si Mary Grace Vergara ng San Fernando, Pampanga na natiyempuhan sa control delivery ng Philpost office sa naturang lugar.
Nahaharap si Vergara sa kasong paglabag sa comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at customs modernization and tariff act.—sa panulat ni Drew Nacino