Winasak ng awtoridad ang aabot sa 90 milyong pisong halaga ng marijuana plants sa Tinglayan, Kalinga.
Sa tulong ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Police Regional Office-Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nadiskubre sa dalawang araw na big-time eradication ang 6 na plantation sites sa Brgy. Loccong at Brgy. Butbut proper sa Tinglayan.
Aabot sa 280,000 na piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants (FGMP) ang binunot at sinunog na nagkakahalaga ng 56 million pesos.
Narekober din ang 150 kilos ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga naman ng 18 million pesos.
Sa Barangay Butbut proper, aabot naman sa 80,000 na piraso ng FGMP ang nakuha na nagkakahalaga ng 16 million pesos.
Ayon kay Kalinga provincial police director Peter Tagtag, ang nasabing operasyon ay isa sa pinakamalaking marijuana plants na sinira ng kanilang ahensya sa unang buwan ng 2022.