Aabot sa tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa susunod na buwan.
Ayon kay PAGASA Forecaster Ariel Rojas, oras na pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR), papangalanan itong Jolino, Kiko, at Lani na posibleng tumama sa kalupaan ng Luzon at Samar Island.
Samantala, ngayong araw ng Martes ay inaasahang makararanas ng kalat-kalat na ulan at thunderstorms ang bahagi ng Cagayan Valley, Bicol Region, Apayao, Kalinga, Aurora at Quezon dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng maulap na papawirin na may isolated rains o kaya’y thunderstorms dahil din sa ITCZ.