Aabot sa 100,000 batang Pinoy ang nasa prostitusyon at patuloy pa umano itong lumalaki dahil sa internet.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, ito ang lumabas na resulta base sa pag aaral ng Plan International kung saan mas madali na ang sex trade dahil sa malawak na na-a-abot ng internet at malayang nagagamit ng mga bata.
Dahil dito isinusulong ni Garbin panukalang batas na magbibigay proteksyon at kaligtasan sa mga bata laban sa prostitusyon.
Batay sa House Bill 4890 o Human Trafficking Preventive Education Bill magkakaroon ng school at community based programs, kung saan ipauunawa sa mga bata ang kanilang karapatan upang hindi sila maging biktima ng trafficking.
Sa tala ng United Nations Children’s Fund ikaapat ang Pilipinas sa buong mundo na bansang may pinakamaraming child prostitute.
Posted by: Robert Eugenio