Mahigpit na babantayan ng Department of Agriculture ang aangkating bigas ng NFA o National Food Authority ngayong taon.
Tiniyak ito ni Agriculture Secretary Manny Piñol matapos ipag-utos ng inter-agency NFA council na lagdaan ni NFA Administrator Jason Aquino ang mga natitirang import permit para sa MAV o Minimum Access Volume Scheme.
Iginiit ni Piñol na kapag labis ang naangkat na bigas, posibleng bumaba ang presyo ng bigas na makabubuti sa mga mamimili, pero posibleng maapektuhan naman ang mga lokal na magsasaka.
Sinabi pa ng kalihim na batay sa pagtaya ng International Rice Research Institute, posibleng kulangin ang supply ng bigas ng 800,000 metriko tonelada hanggang 1.2 milyong metriko toneladang bigas.
By: Meann Tanbio