Kasado na ang walong arresting teams ng Senate Sergeant at Arms para sa mga pina-aarestong umano’y bagman at mga dummies ni Vice President Jejomar Binay.
Ito ay matapos malagdaan kanina ni Senate President Franklin Drilon ang arrest at detention order laban sa 14 na katao na pina-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Sergeant at Arms Retired Gen. Jose Balajadia, pito hanggang 10 ang kaya nilang i-accommodate sa basement ng senado ngunit maaaring i-detain sa Pasay City Jail ang iba pang pinaaaresto.
Sinabi naman ni Blue Ribbon Sub-committee Chair, Senator Koko Pimentel, kung sino man ang unang sumuko o maaresto ang siyang unang i-aaccommodate sa detention facility ng Senado.
By Cely Ortega-Bueno / Avee Devierte