Nangunguna pa rin si Budget Secretary Butch Abad sa mga cabinet member na may pinakamaraming kaanak sa gobyerno.
Ito’y base sa Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ng kalihim noong 2014.
Sa kabuuan ay 9 ang kaanak ni Abad sa gobyerno kabilang ang kanyang anak na si Julia, na Presidential Management Staff Chief ni Pangulong Noynoy Aquino; asawang si Batanes Rep. Henedina Abad, na Deputy Speaker din sa kamara kung saan nagtatrabaho rin ang isa sa kanyang mga pamangking lalaki.
Habang 3 pang pamangking lalaki at 2 pamangking babae ang nagsisilbi rin sa pamahalaan kung saan ang isa sa mga ito ay Direktor sa Office of the Appointments Secretary sa ilalim ng Office of the President.
Mayroon namang 8 kaanak si Environment Secretary Ramon Paje sa gobyerno gayundin si Agriculture Secretary Proceso Alcala; 7 kay Energy Secretary Jericho Petilla.
Kapwa may 5 kaanak naman sina Cabinet Secretary Jose Rene Almendras, Rosalinda Baldoz ng Labor, Executive Secretary Paquito Ochoa at Finance Secretary Cesar Purisima.
By Drew Nacino