Nagpapaikot na ng resolusyon sa mga Metro Manila mayors si MMDA chairman Benhur Abalos.
Kaugnay ito sa pagpayag ng IATF na makalabas na rin ang mga limang taong gulang pataas maliban lamang sa mga mall.
Sinabi sa DWIZ ni Abalos na inilatag na nila sa nasabing resolusyon ang ilang mga hakbangin at paglilinaw hinggil sa pagpapalabas sa mga bata na naka-depende pa sa mga alkalde kung a aprubahan.
Kabilang dito aniya ang pagdetermina kung ang sinasabing park ay tulad ng sa Luneta o mga nasa ilalim o kadikit ng malalaking malls sa Metro Manila.