Pansamantalang isinara ang kalye ng Padre Faura at Roxas Boulevard matapos may makitang abandonadong trolley bag na naging sanhi ng bomb scare sa lugar.
Agad na ininspeksyon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Bomb Squad ang naturang bag at nang mabuksan ay nakitang puro plastik at damit ang nasa loob nito.
JUST IN: Roxas Padre Faura road, pansamantalang isinara dahil sa napaulat na bomb threat bunsod ng isang kahina-hinalang inabandonang itim na trolly bag (as of 6:28 AM); asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa naturang kalsada | via @MMDA https://t.co/48epp2p34S
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 13, 2019
Pasado alas-7:20 ng umaga nang ideklarang ligtas na ang lugar sa anumang banta ng pagsabog.
Dumating naman sa lugar ang nagpakilalang may-ari ng bag na si Josephine Catama na mula sa Norzagaray, Bulacan.
Ninakaw aniya ang bag sa kaniya habang natutulog sa ilalim ng footbridge.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung mayroong nawalang gamit sa loob ng bagahe ni Catama.