Isinusulong ni Congressman Benny Abante ang pagbuwag sa National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa aniya’y pagiging useless agency nito.
Sa kaniyang inihang House Bill 6701 nais pa amiyendahan ni Abante ang Republic Act 7925 o Public Telecommunications Policy Act sa pamamagitan nang pagbuwag sa NTC at ilipat na lamang ang kapangyarihan at tungkulin nito sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nakasaad sa panukala ni Abante na maililipat din sa DICT ang budget ng NTC at bahala na ang dict secretary mnakung ibebenta ang mga kagamitan ng ntc sa pamamagitan ng public bidding, negotiated sale, lease o iba pang paraan ng divestment o transmission of rights.
Binigyang diin ni Abante na wala nang kuwenta ang NTC at ang pagpapanatili nito ay pagsasayang lamang ng pera ng taumbayan.
Malaki aniyang sampal sa Kongreso ang cease and desist order na inisyu ng ntc laban sa abs cbn dahil nagsabi na sila sa ahensya na bigyan ng provisional authority ang Kapamilya network para makapag operate habang hindi pa nare-renew ang prangkisa nito.