Pinagbawalang makapasok sa Jeddah, Saudi Arabia si Cong. Benny Abante Jr.
Ayon kay Abante, hindi na sila pinasakay sa kanilang flight patungo ng Jeddah mula sa Dubai International Airport matapos matanggap ng airline ang advisory ng Saudi Arabia na sinuspinde ang pagpasok ng pilgrims sa kaharian dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni Abante na tumutulong na ang Konsulado ng Pilpinas para makakuha sya ng provisional visa sa United Arab Emirates (UAE) habang hinihintay nilang matanggal ang ban sa Saudi Arabia.
Opisyal ang biyahe ni Abante sa Jeddah upang makipag-usap sana sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).