Kinuwestyon ng Association of Boxing Alliances in the Philippines President Ricky Vargas ang panalo ni Sena Irie ng Japan laban kay Pinay boxer Nesthy Petecio sa Women’s Featherweight final sa 2020 Tokyo Olympics.
Ayon kay Vargas, mistulang wrestling ang naging laban dahil panay yakap si Sena kay Petecio kaya’t kataka-takang unanimous ang naging desisyon ng mga hurado.
Gayunman, ipinagmamalaki pa rin anya nila si Nesthy dahil sa nasungkit nitong silver medal.
Aminado naman ang 29 anyos na Pinay mula Davao Del Sur na bagaman hindi ito ang inasahan nilang klase ng laban, naniniwala siyang may ilang bagay siyang hindi nagawa o hindi napansin. —sa panulat ni Drew Nacino