Kumpiyansa ang ABAP o Association of Boxing Alliances in the Philippines na mag-uuwi ng karangalan ang dalawang boksingerong pambato ng bansa sa Rio Olympics.
Ayon kay Ed Picson, Executive Director ng ABAP, hindi biro ang dinaanang training nina Charly Suarez at Rogen Ladon.
Bahagi ng pahayag ni ABAP Executive Director Ed Picson
Isang araw matapos buksan ang Rio Olympics ay agad na sasabak sa kanyang laban sa lightweight division si Suarez.
Inilarawan ni Picson ang makakalaban ni Suarez na si Joe Condina ng Great Britain bilang European champion sa boksing.
Subalit tiwala si Picson na hindi magpapadehado kay Condina si Suarez.
Bahagi ng pahayag ni ABAP Executive Director Ed Picson
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo Credit: Abac Cordero