Tinanggal sa listahan ng tatakbong pagka-pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) ang presidente ng Association of Boxing Alliances of the Philippines na si Ricky Vargas.
Ayon kay POC Election Committee Chair Frank Elizarde, minsan lamang dumalo si Vargas sa general assembly meeting ng grupo sa loob ng dalawang taon.
Nakasaad sa election requirement article 7 section 11 ng POC Constitution na ang mga nais na tumakbong pangulo ay dapat maging aktibo sa POC general assembly sa loob ng dalawang taon.
Kasamang na-disqualified si Philcycling President Abraham Tolentino na ka-ticket ni Vargas.
Ipinaubaya naman na ni Vargas ang nasabing disqualification sa kaniyang abogado.
By Mariboy Ysibido