Patuloy na umaasa ang Alliance of Boxing Associations in the Philippines o ABAP na papayag si pambansang kamao Manny Pacquiao na lumaban sa darating na 2016 Rio Olympics.
Sa katunayan, nagreserba na ng isang slot sa light welterweight division ang Philippine Boxing Team para kay Pacquiao.
Nilinaw naman ang ABAP na sakaling pumayag si Pacquiao na maging kinatawan ng Pilipinas sa Olympics ay hindi na nito kailangan pang dumaan sa qualifying matches.
Ito ay dahil sa papasok anila si Pacquiao sa Olympics sa pamamagitan ng Tripartite Commission Invitation o kilala bilang wildcard slot.
Matatandaang una nang inihayag ni Pacquiao ang kanyang pagreretiro sa professional boxing matapos ang matagumpay na laban kontra kay Timothy Bradley.
By Ralph Obina