Inirekomendang kasuhan ng senado si Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya.
May kaugnayan ito sa multi-bilyong dolyar na maintenance contract na pinasok ng DOTC sa mga kumpanyang PH Trams at CB & T para sa Metro Rail Transit o MRT Line 3.
Nakasaad sa 45 pahinang report ng Senate Sub-Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe, nakakita sila ng mabigat na ebidensya para maisama si Abaya sa mga dapat kasuhan ng graft.
Isinumite ang naturang report sa tanggapan ng Ombudsman, Department of Justice at Civil Service Commission.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)