“Things we don’t learn in school, we learn at actual workplace.”
Ito ang pahayag ni Josephine Reyes, Pangulo ng Aliw Broadcasting Corporation (Aliw), kaugnay ng pagkakalunsad ng kauna-unahang summer camp radio training ng ABC Radio Academy na gaganapin mula Hunyo 19-Hulyo 5, 2017.
Layunin ng ABC Radio Academy Summer Camp 2017 na gamitin ang kakaiba at praktikal na sistema ng pagtuturo sa larangan pagsusulat, produksyon, pagbabalita, pagpo-programa, komunikasyong teknikal, at, pagdi-DJ gamit ang mga aktwal na pasilidad at kagamitan ng DWIZ 882 at FM Home Radio 97.9.
Sampung araw ang ilalaan sa mga lecture na hango sa mayamang karanasan at pagsasanay sa ibang bansa ng mga practitioners na syang mismo ring magtuturo at magsasanay sa mga trainee. Ang nalalabi namang apat na araw ay gagamitin upang mapaghandaan ng mga trainee ang sari-sariling paggawa o produksyon ng news program, music program at dokumentaryo.
Bukas ang training na ito sa mga estudyante, o sa mga bago sa industriya ng media o maging sa mga professional na nais lamang maintindihan ang masalimuot na daigdig ng komunikasyon at pagbabalita.
Ang pagpaparehistro ay nagpapatuloy hanggang June 10, 2017. Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan lamang sa Human Resources Department ng Aliw Broadcasting Corporation sa mga numerong 470-17-50-54, loc. 235/209, at hanapin si Ana Cansino/Glyd Queppet.
Training Fee: P7,000 inclusive of materials and ID.
NOTE: Limited slots only, and will accommodate 10 persons in a class.