Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers and Muslim Concern Abdullah Mama-o bilang special envoy to Kuwait.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng nakanselang biyahe ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Kuwait para makipag-usap hinggil sa kapakanan at karapatan ng mga Filipinong manggagawa doon.
Ayon kay Roque, inatasan ng Pangulo si Mama-o na muling magtungo sa Kuwait at manatili doon hangga’t hindi pa nakakabalik sa Pilipinas ang lahat ng mga dapat umuwing Filipino.
Una nang nagtungo si Mama-o sa Kuwait para naman makipag-usap hinggil sa gusot sa dalawang bansa dahil sa kontrobersiyal na rescue mission ng embahada ng Pilipinas sa dalawang OFWs doon.
—-