Maluwag sa loob na tatanggapin ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na maging tagapamagitan para magkausap si Pangulong Rodrigo Duterte at mga Obispo.
Sinabi ni Abella na walang mawawala kung susubukang magkaroon ng dialogue sa pagitan ng Pangulo at mga alagad ng simbahan.
Matatandaang binabanatan ng Pangulo ang mga obispo nitong mga nakaraang araw dahil sa patuloy nilang pagkontra sa kanyang anti-illegal drugs war.
Depensa ni Abella, gusto lang ng Presidente na malutas at matapos ang talamak na problema sa iligal na droga sa bansa.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping