Dumistansya si Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ipatatapon sa Basilan o Sulu ang editors ng PNA o Philippine News Agency.
Ito ay kung sakaling mapatunayang nagpabaya sa trabaho ang mga naturang editors kasunod na rin ng maling logo na inilagay ng PNA sa isa nilang istoryo tungkol sa DOLE o Department of Labor and Employment.
Ayon kay Abella, mas makabubuting si Andanar ang magpaliwanag sa naging pahayag nito lalo’t ang kalihim ang direktang humahawak sa PNA.
Dagdag pa ni Abella kanilang nirerespeto ang mga Mindanawan kasunod na rin ng pag-alma ng ilang mga taga-Mindanao dahil ginagawa umano silang tapunan ng mga hindi kanais-nais.
Aniya, hayaan na lamang si Andanar na magpaliwanag kung bakit nabanggit nito ang Sulu at Basilan kung saan ipatatapon ang parurusahang editors ng PNA.