Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na paimbestigahan ang mga nangyaring aberya sa Southeast Asian (SEA) Games.
Ito ay matapos na mabatid ng Pangulo ang mga naging problema sa transportasyon, accommodation at maging pagkain ng mga atletang kalahok.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nagustuhan ng Pangulo ang alegasyon ng korupsiyon kaya nais nitong paimbestigahan ang ginawang paghahanda ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).
Kasama sa posibleng maimbestigahan ay si House Speaker Alan Peter Cayetano na siyang pinuno ng PHISGOC.
Sa kabila ng imbestigasyon ng Malakanyang, binibigyan din aniya ng kalayaan ang mababa at mataas na kapulungan ng kongreso na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon.