Iimbestigahan ng fact finding committee ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang dahilan ng biglang paggalaw ng nasirang train at pagbangga nito sa isang bumibiyaheng tren galing sa cubao station.
Ayon kay LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera, pasado alas-2 ng hapon kahapon nang masira ang isang tren ng LRT line-2 kaya pansamantala itong ipinarada sa tinatawag na pocket track sa pagitan ng Anonas at Cubao station habang kinukumpuni.
Gayunman, sa hindi pa nila matukoy na dahilan, bigla na lamang kusang gumalaw ang nasabing “dead train” at napunta sa main track.
Agad naman aniyang nai-radyo ang insidente kaya huminto na rin ang bumibiyaheng tren galing Cubao pero nabangga pa rin ito ng umandar na “dead train”.
BREAKING: 2 tren ng LRT-2 sa pagitan ng Cubao at Anona stations, nagtamo ng pinsala matapos aksidenteng magbanggaan; ‘Di bababa sa lima katao, isinugod sa ospital
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 18, 2019
Itong train na ito na gumulong on its own, patay lahat ‘yan kaya ang tawag natin diyan dead train ‘yan. So, lahat ng systems niya, nakapatay. So hindi ngayon nagfa-function ‘yung mga safety protocol. Supposedly naka-park lang kasi siya ro’n. Gumulong siya on its own, wala siyang control, wala siyang signaling system, wala siyang break. Kung maihahalintulad natin, imagine-in mo ‘yung sasakyan walang break, tapos gumulong siya on its own, mag-isa niya. So gano’n ‘yung nangyari. And ‘yung katanungan, like I’ve said, bakit nangyari ito, ito ‘yung subject ng ating imbestigasyon. Gusto naming malaman kung bakit gano’n ‘yung nangyari.” paliwanag ni Atty. Cabrera.
Sinabi ni Cabrera, 5 na lamang sa 34 na mga nasugatang pasahero ang nananatili pa sa ospital.
As of last night, 34 ‘yung dinala natin sa hospital pero ngayong madaling araw lahat ‘yon nadischarge na liban sa 5. May 4 na na-confine sa World City College Hospital at ‘yung 1 sa may Quirino Hospital. Pero ‘yung kanilang mga injuries, ‘yung isa ang injuries niya is dislocated ‘yung shoulder. ‘Yung isa which nagkataon na teller namin napilay ‘yung kanyang kanang kamay. ‘Yung 3 pinapatignan namin ngayon sa aming doktor para makuha naming ‘yung tally ng kanilang injuries.” ani Atty. Cabrera.
Todong Nationwide Talakayan Interview
LRT-2, balik-normal na ang operasyon matapos ng banggaan ng 2 tren
Balik-operasyon na ang LRT line 2 matapos ng banggaan ng dalawang tren nito kagabi.
Alas-10:47 kaninang umaga ng bumalik na sa normal ang operasyon ng LRT line 2.
Magugunitang isang dead train ng LRT-2 ang bumangga sa isa pang bumibiyaheng tren sa pagitan ng Cubao at Anonas station kagabi.
Una na ring tiniyak ng Light Rail Transit Authority na kanila nang iniimbestigahan ang pangyayari.