Kumbinsido si Senate Committee on Public Services Vice Chairman JV Ejercito na isa nang “malalang sakit” ang nararanasang sitwasyon sa Metro Rail Transit o MRT dahil sa halos walang tigil na aberya.
Ito, ayon kay Ejercito, ay makaraang umakyat na sa mga kasalukuyan at dating opisyal ng Department of Transportation o DOTr, MRT at mga maintenance provider nito ang problema na kapwa nagbabatuhan ng sisi.
“Kumbaga sa sakit parang cancer na ito, ang masakit doon dahil doon sa mga personal, career business interest kaya nagkanito, nagkabuhol-buhol at nagkagulo-gulo ang sitwasyon ng MRT.” Ani Ejercito
Mayroon naman anyang solusyon upang matapos na ang aberya sa MRT na maaaring ipatupad.
“Ang pinaka-key nito para umayos ang takbo nito yung availability at suplay ng kuwerdas dapat laging andiyan, doon nagkukulang sa spare parts, kung sinong humawak na maintenance provider nangangako pero yung spare parts nila nadadalang.”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senator JV Ejercito