Malabo umanong maging cyber attack ang dahilan ng aberya sa air traffic management system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong Enero a – 1.
Ito, ayon kay CAAP Executive Director Manuel Tamayo, ay batay sa parallel investigation ng Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) noong Enero a – 3.
Sa kanyang pagharap kay Senador Sherwin Gatchalian sa Senate hearing kahapon, ipinaliwanag ni Tamayo ang nangyari noong bagong taon.
Sa kabila nito, inihayag ni Tamayo na ipinaubaya ng CAAP sa CICC ang forensic investigation sa circuit breaker at power transfer switch ng air traffic management system dahil wala silang kakayahan o kagamitan upang mabatid kung cyber-attack o hindi ang nangyari.
Taliwas naman ito sa unang report na ang UPS ang nagka-aberya kaya’t kinuwestyon ni Gatchalian ang naunang pahayag ng CAAP.
Samantala, muling humingi si Tamayo ng paumanhin sa mga naperwisyo at naapektuhan ng insidente at inaako nila ang responsibilidad at nangakong magiging transparent sa lahat ng gagawin at pagtiyak na ligtas ang himpapawid ng bansa.