Kontrolado na ng Bank of the Philippine Islands o BPI ang sitwasyon kaugnay ng nangyaring problema sa internal data processing ng bangko.
Ayon kay BPI Senior Vice President Catherine Santamaria, tukoy na nila ang dahilan ng system error at ang gagawing hakbang ukol dito.
Aniya, maliit na bahagi lamang ng kanilang mga kliyente ang naapektuhan, ito ay ang mga nagkaroon ng transaksyon mula April 27 hanggang May 2.
Paglilinaw pa ni Santamaria, walang nawalang pera ng kanilang mga kliyente at tanging sa papel lamang iyon.
Pagtitiyak ni Santamaria, matatapos na nilang ayusin ang problema ngayong Miyerkules.
By Krista De Dios