Nagpalabas ng abiso ang Deparment of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa tamang pasahod sa mga manggagawa na papasok sa trabaho sa mga deklaradong holiday ngayong Agosto.
Ayon sa Labor Secretary Silvestre Bello, alinsunod sa proclamtion number 555 at 789, deklarado ang Agosto 12 at 26 na regular holiday bilang pag-gunita sa Eid’l Adha at National Heroes Day.
Dahil dito, ang mga manggagawang papasok sa nabanggit na mga araw ay dapat bayaran ng dalawang daang porsyento ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras at karagdagang tatlumpung porsyento kada oras na overtime.
Habang ang mga hindi papasok ay kinakailangan pa ring bayaran ng 100% porsyento ng kanyang arawang sweldo.
Dagdag ni Bello, deklarado naman ang Agosto 21 bilang special non-working holiday na paggunita sa araw ng kamatayan ni dating Senador Ninoy Aquino.
Sa naturang araw, makatatanggap naman ng karagdagang 30% ng kanilang arawang sahod ang mga papasok sa trabaho.