Lumampas na sa forecast volume para sa buong buwan ng Agosto ang rainfall volume na naitala sa Lalawigan ng Cebu sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon kay PAGASA-Visayas chief Al Quiblat, umabot na sa 230 millimeters o ikinukunsiderang “above normal” ang rainfall volume sa Cebu.
Nakapagtala anya ng 157.9 millimeters na normal average rainfall ngayong buwan para sa nakalipas na tatlong dekada.
Pero noong Agosto a – 3, nasa 107 millimeters ng ulan ang naitala habang 66 millimeters noong Agosto a – 4.
Nangangahulugan ito na nalampasan na ang monthly average sa loob lang ng dalawang araw na pag-ulan, hindi pa kasama ang mga pag-ulang naranasan noon pang mga nakalipas na araw.
Ipinaliwanag ni Quiblat na ang “abnormal” rainfall ngayong buwan ay dahil sa La Niña phenomenon, na nagdudulot ng malakas na mga pag-ulan sa Pilipinas at mga karatig bansa.