Susundin ng mga pinuno ng Simbahang Katolika sa bansa ang direktiba ng Vatican kaugnay sa paglalagay ng abo sa Ash Wednesday ngayong taon.
Una nang ipinag-utos ng Vatican na ibudbod na lamang sa halip na ipahid ang abo sa ulo ng mga mananampalataya.
Ipinabatid ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na hinihintay na lamang nila ang pormal na direktiba hinggil dito ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) bagamat noong isang taon aniya ay ginawa na rin ito ng mga simbahan.
Ang Ash Wednesday na papatak sa ika-17 ng Pebrero ay hudyat ng pagsisimula ng Holy Week ng mga Katoliko.