Apektado na rin ng ash fall mula sa Bulkang Mayon sa Albay ang ilang lugar sa karatig lalawigan ng Camarines Sur.
Ayon kay Luzena Bermeo, head ng Camarines Sur Environment and Disaster Management and Emergency Response Office, 178 barangay sa Iriga City, mga bayan ng Balatan, Bato, Baao at Nabua ang apektado.
Idineploy na anya ng Provincial Government ang Incident Command Post sa Iriga City upang rumesponde sakaling magkaroon ng masamang epekto ang pagbagsak ng abo mula sa Mayon.
Isang fire truck at dalawa pang dump truck ang idineploy upang tumulong sa paglilinis ng mga abo sa mga apektadong barangay.
Namahagi na rin ng mga gas mask sa mga bayan ng balatan at Nabua kung saan makapal ang abo habang kinansela na ang flights sa Naga Airport.