I-uuwi muna sa kaniyang bahay sa Makati City ang abo nang pinatay na abogado sa Amerika na si Atty. John Laylo.
Ayon sa kapatid nitong si Ann, isang linggo munang paglalamayan sa kanilang bahay ang kaniyang kapatid atsaka ililipat sa kolumbaryo.
Na-cremate ang labi ni Laylo kahapon ng umaga.
Nakiramay naman sa pamilya ng nasawing abogado sina Atty. Chel Diokno, dating Vice President Leni Robredo, at kalihim ng Department of Migrant Workers na si Toots Ople.