Iniimbestigahan na ang pulisya ang pagkamatay ng isang abogada na umano’y nahulog mula sa isan ika-labing anim na palapag ng isang high-rise commercial building sa Cebu City.
Ayon sa Mabolo Police Station, natagpuan ang katawan ng abogada sa ground floor ng commercial building sa Bohol St., sa nasabing lalawigan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakita umanong nahulog ang biktima mula sa mataas na palapag ng gusali.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kung mayroong foul play sa nangyaring aksidente.