Pinawalang-saysay ng Korte Suprema ang kasong administratibo laban sa isang abogado.
Batay sa resolusyon ng ikalawang dibisyon ng Supreme Court, pinaboran ng mga mahistrado ang rekomendasyon ng Commission on Bar Discipline ng Integrated Bar of the Philippines na nagbabasura sa reklamo laban sa isang Atty. Fely Layogan.
Si Layogan ay inireklamo ng isang Lourdes Amos na may kinalaman sa kasong hinawakan nito.
Wala namang nakikitang sapat na basehan ang Kataas-taasang Hukuman para idiin sa kaso ang naturang abogado.—sa panulat ni Hya Ludivico