Hihintayin ng Pangulong Rodrigo Duterte na makapagpasa ang kongreso ng batas, bago magtalaga ng OIC o officer-in-charge para sa mga baranggay, sa halip na magpatawag ng baranggay elections sa Oktubre.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, abogado ang Pangulo kaya’t alam nito ang mga maaring gawin at hindi.
Sinabi ni Panelo na masyado pang maaga para sa ano mang reaksyon ng mga kritiko dahil tiyak naman na hindi ito ipipilit ng Pangulo at idadaan din sa konsultasyon ang pagtatalaga ng mga magsisilbing OIC.
Una nang sinabi ng Pangulo na ayaw niyang magkaroon ng baranggay elections dahil sangkot sa illegal drug trade ang 40% ng mga Kapitan ng barangay at ayaw niyang magamit ang narco-money para sa kampanya.
By Katrina Valle |With Report from Aileen Taliping