Ibinulgar ni Atty. Levito Baligod, isa sa mga abogado ng pamilya degamo, na kasama sa mga nagaganap na krimen ang mga pulis sa negros oriental.
Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Atty. Baligod, na mismong ang piskalya ang nagdidiscourage o nagpapahina sa kalooban ng mga complainant.
Bukod pa dito, nakikita din ni Atty. Baligod ang failure sa prosecution, judiciary, at jail system sa negros oriental.
Iginiit pa ni Atty. Baligod, na nagdudulot ng takot sa kumunidad sa kanilang lalawigan ang mga tiwaling opisyal.