Kinuwestyon ni Atty. Raymond Fortun, abogado nina Mark Taguba at Teejay Marcellana at Chen Ju Long alyas Richard Tan kung bakit hindi isinama ng N.B.I. sa kanilang inihaing reklamo sa D.O.J. ang mismong nagpadala ng droga mula China na isang alyas Tong Yan Ping.
Naniniwala si Fortun kung pagbabatayan ang pagdinig ng Senado na sinasabing “tainted” na ang mga ebidensya na nadiskubreng shabu sa Valenzuela, malabong maipanalo ang kaso dahil na rin sa maling proseso ng isinagawang raid ng Bureau of Customs sa warehouse ng Hongfei Logistics sa naturang lungsod.
Samantala, tiniyak naman ni Atty. Fortun na dadalo sina Taguba at customs broker na si Teejay Marcellana sa susunod na hearing sa D.O.J. sa September 25.
Ipinaliwanag ni Fortun na tumatayong legal counsel nina Taguba at Marcellana na sadyang hindi dumalo ang dalawa sa hearing kahapon dahil ang pakay lamang niya rito ay humirit ng extension ng petsa para makapagsumite ang kanyang mga kliyente ng kani-kanilang counter-affidavit.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE