Patay sa pamamaril ang isang human rights lawyer habang sugatan naman ang driver nito sa Cebu City nitong Huwebes.
Kinalala ang biktima na si Attorney Rex Fernandez, ayon sa ulat nakaupo sa passenger seat ang biktima nang biglang lumapit ang salarin at pinagbabaril ang abogado na agad niyang ikinasawi.
Ayon sa ilang saksi, tumakas ang salarin sakay ang isang motorsiklo.
Kinondena naman ng National Union of People’s Lawyer ang nangyaring krimen.
Naging kontrobersyal si Fernandez nang magsagawa ito hunger strike nang putulan ng supply ng tubig ang kanilang compound sa Mandaue City.—sa panulat ni Rex Espiritu