Kalaboso ang kinabagsakan ng isang abogado matapos paputukan ng baril ang mga manggagawa sa isang palayan sa Barangay Tagabaca sa Butuan City.
Kinilala ang inireklamong abogado na si Atty. Roland Gualbert Salise na sinasabing nanigaw sa mga trabahante at pinaalis pa ang mga ito sa palayan.
Maliban pa rito, sinasabing bumunot din ng baril sa kanyang bag si Salise at pinaputok ito sa lupa pero wala namang tinamaang tao.
Natuklasan ding walang dokumento at lisensiya ang suspek para sa kanyang 9mm na baril kaya’t nahaharap ito sa mga kasong Indiscriminate Firing at Illegal Possession of Firearms.