Tagumpay ang Irish government sa katatapos lamang na referendum para sa legalisasyon ng aborsyon.
Sa isang makasaysayang referendum, umabot sa 1.4 million ang bumoto pabor sa pag-repeal sa 8th amendment ng kanilang konstitusyon o abortion ban habang 723,000 ang kontra.
Sa ilalim ng eighth amendment, ang isang hindi pa ipinapanganak na bata ay may pantay na karapatang mabuhay gaya ng mga nagbubuntis at pinapayagan lamang ang aborsyon kapag nalagay sa peligro ang buhay ng isang babae maliban kung ginahasa o nagkaroon ng abnormalidad sa pagbubuntis.
Pero sa ilalim ng panukala, bibigyan na ng karapatan ang kababaihan na magdesisyon kung ipalalaglag ang bata sa sinapupunan sa kahit anong sitwasyon.
Naganap ang makasaysayang botohan, tatlong buwan bago ang pagbisita ni Pope Francis sa Ireland.
Indikasyon din ito na humihina na ang katolisismo sa Ireland bukod pa sa legalisasyon ng same-sex marriage sa naturang bansa.
—-