Nilinaw ng Malacañang na hindi kasama ang abortion sa mga paraan ng palalakasing family planning program sa susunod na taon.
Inihayag ito ng palasyo matapos ilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang mga plano nito sa susunod na taon kasama na ang pagpapaigting sa family planning program.
Sinabi ng Pangulo na ilalarga ang programa sa pamamagitan ng paggamit ng pills, ligation, at iba pang makabagong pamamaraan para makontrol ang pagdami ng anak.
Sa kasalukuyan, nasa 105 Milyon na ang populasyon ng Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo na noong alkalde pa lamang ito ng Davao city, binibigyan niya ang mga nanay ng pera para magpa-ligate o kaya naman ay binibigyan ng pills.
Binigyang-diin pa ng Presidente na hindi lingid sa kanya ang posisyon ng simbahan sa family planning, pero kailangan din anyang kontrolin ang populasyon ng Pilipinas.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping