Gagawin nang legal sa Thailand ang abortion sa loob ng 20 linggo.
Ayon sa Thailand Government, hindi muna ikokonsiderang krimen sa nasabing panahon ang pagpapalaglag ng bata para sa babaeng biktima ng rape at nagiging banta sa buhay ang dinadalang sanggol.
Hindi naman papayagan ng mga otoridad ang terminasyon kung walang sapat na dahilan.
Noong 2010, aabot sa 2,000 kaso ng iligal na abortion ang naitala sa Thailand kung saan sa mismong templo nadiskubre ang mga fetus.
Nasa 10 thousand baht o 263 $ pa ang parusa noon sa sinumang magpapalaglag kasama ang pagkakakulong ng hanggang 6 na buwan.