Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Abra, kahapon.
Ala-5:05 ng hapon nang tumama ang magnitude 5.1 at natunton ang sentro sa layong tatlong kilometro, timog-silangan ng Bayan ng Pilar.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Pilar at Lacub, Abra; intensity 4 sa Banayoyo, Ilocos Sur; Licuan-Baay, Abra; Intensity 3 sa Nueva Era, Ilocos Norte; San Fernando City, La Union;
Intensity 2 sa Baguio City; La Trinidad, Benguet habang intensity 1 sa Pasuquin, Ilocos Norte at Itogon, Benguet.
Ayon kay Phivolcs Science Research Assistant Dan Dy, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 8 kilometro.
Inaasahan anya ang aftershocks at pinsala matapos ang pagyanig.
Hulyo a – 27 nang tamaan din ng Magnitude 7 ang Abra at Magnitude 6.4 noong Oktubre a – 25 na kapwa nagdulot ng casualties at pinsala sa mga imprastraktura.