Nakalusot sa bagsik ng bagyong Lando ang lalawigan ng Abra.
Ayon kay Governor Estaquio Bersamin, naging maganda ang panahon sa kanilang lalawigan sa nagdaang dalawang araw.
Tiniyak ni Bersamin ang kahandaan ng lokal na pamahalaan sakaling manalanta pa ang bagyong Lando.
Sa kabila nito, 1 katao na ang naitalang patay sa Abra.
Sinabi ni Bersamin na batay sa ulat, nangisda ang biktima at natangay ng malakas na agos ng tubig sa bahagi ng bayan ng Tineg.
“Maraming agency like yesterday kausap ko lang si Secretary Sarmiento, maganda naman, and ofcourse the Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP ready naman lahat, actually the AFP, nandito na yung mga gasolina ng helicopter nila sa Abra para anytime na may eevacuate, dahil alam mo naman ng Abra bulubundukin, kaya mahirap din ang daan minsan kaya the helicopter will help us a lot.” Pahayag ni Bersamin.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit