Pormal nang idineklara ng Malakaniyang ang araw ng Biyernes, Abril 28 bilang Special Non Working Holiday para sa National Capital Region o Metro Manila.
Ito’y para bigyang daan ang mga aktibidad na gagawin para sa gagawing summit ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations dito sa bansa mula Abril 26 hanggang Abril 30.
Alinsunod proclamation Number 197 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa rekumendasyon ng ASEAN 2017 National Organizing Council, Office of the Director General for Operations at ng MMDA o Metro Manila Development Authority.
Una nang nagpalabas ng memorandum circular Number 18 ang Malakaniyang nuong isang linggo para sa suspensyon sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng gubyerno sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Makati City sa Abril 27.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping