Walang ibang remedyo ang ABS-CBN Corporation sa ngayon kundi ang humirit ng temporary restraining order (TRO).
Ito ang binigyang diin ni retired Supreme Court Senior Justice Antonio Carpio matapos magpalabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa broadcast network.
Ayon kay Carpio, walang anumang lakas o epekto laban sa batas ang anumang resolusyon na ipapalabas ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso para sa pagpapalawig ng operasyon ng ABS-CBN.
Binanggit din ng dating mahistrado ang hatol sa kaso ng ‘Ang Nars Party-list’ noong October 2018 kung saan nagpasa ng joint resolution ang mga mambabatas na nagbabawas sa salary grade ng mga government nurses na kalauna’y pinawalang-bisa naman ng kataas-taasang hukuman.